RE: PAST, PRESENT AND FUTURE

First off, the following words are not from some broken hearted person. Tapos na ang Hearts Day for that corny lines. He-he.

I’ve been to a place of lushes trees and green mountains where you can hear the sound of birds and the hush of leaves. Well, I think you get the picture. It’s the perfect place to do some serious thinking, reminiscing, soul-searching, at iba pang pag-iinarte. So kahit papaano, despite the busy schedule (wow!), I had time to reminisce about life, some stuff, and the likes.DSC_7375DSC_7351

What hit me the most during my inarte moments was the reminiscing about the past. Where did the time go? Have you asked the same question and felt the same sentiment? Yung parang tinakbuhan at dinaan-daanan ka lang ng “time” na hindi mo na namalayan, lumipas na pala? That feeling? With that, a more important question comes to mind: what did we do with time? Is it spent worthily? Time worth differs for every individual so this question is for everyone to answer.DSC_7382DSC_7378

I’ve also been to a museum-type of place where I got to appreciate the remains of history. These relics can make us remember what was done and sacrificed before but it cannot literally make us go back to the past. It’s the same with what we have now. We can always remind ourselves of the past: events held, people mingled with, achievements completed, things owned, words said, mistakes made… but we can never go back to it nor bring it to present. Blue as it may sound but the bright side is what we can do with the present. Present times may not be always good for everyone. Tragedy happens, relationship fails, pet dies… Though there will always be some inevitable changes, we can always count on what was declared in Romans 8:28: “All things work together for good to those who love God, to those who are called according to His purpose”.

After the dramatic pag-iinarte in the mountains, I was splashed with cold water when I came back to the real world here in the city. I thought that remembering the past was enough until I got back to the real battlefield of life where tons of tasks are waiting to be finished, piles of bills are accumulated, loved ones are depending on you… This gave me realization that though there should be recollection moments, getting stuck in it will make people forget what is ahead. We all have responsibilities which are all pointing to our goals. There are still hundreds of days to count for the New Year. It is not too late to list our New Year’s resolutions, bucket list, or other lists that you can think of. This can help us hit our goals and get ready for the future that we do not hold and we are uncertain of. Scary as it may seem but we can be comforted with the promise of God: “For I know the plans I have for you, plans to prosper you and not to harm you; plans to give you hope and a future”. (Jeremiah 29:11)

Vic Sotto and Pauleen Luna already tied the knot after the controversial relationship. Pia Wurtzbach already recovered from the awkward experience on the Miss Universe 2015 and claimed her crown. San Miguel Beermen hit the records by winning the PBA Governor’s Cup Finals with a historic comeback. They all had a bright welcome for the New Year. What would be our share? What I just mean is: there are so many wondrous and exciting things around us if we just look around. It is never too late to start anew for this year. There will be more trials and treats that life has to offer. Let us not let those pass us by. So, this is me, greeting you a blessed new year ahead and suggesting that we move forward with our lives at present and look to the future with the past in mind.

Advertisements

SIYA

Disclaimer: Para sa mga working, employed, self-employed, negosyante, at sa iba pang naghahanapbuhay. Basahing mabuti lahat hanggang dulo bago mag-react. Hindi ko kasi sure kung uso pa ba ang OA ngayon.

Matagal ko na siyang inoobserbahan. Lahat ng kilos niya binabantayan ko. Hindi ko lang alam kung aware siya. Basta, feeling ko kasi malaki ang magiging influence niya sa iba kahit na hindi ko alam kung anong position niya dito.

Umaga pa lang, nakikita ko kung late siya o maaga siyang pumapasok. Binibilang ko kung nakakailang hikab siya pagkatapos ng lunch break. Pinipigil ko ang sarili kong sitahin siya kapag nakikita kong may nasasayang na oras dahil sa mga non-value activities niya. Bakit ba hindi niya maiwasan? Mahirap ba? Binibilang ko rin yung absences niya, kung excused or unexcused ba. Inaabangan ko kung makakakuha siya ng Perfect Attendance Award this year.

May mga reklamo din ako sa kanya kapag may mga rejects/mistakes siya. Lalo na kapag nagri-reason out na siya. Gusto kong ipaintindi sa kanya na we cannot afford to have mistakes and rejects at times like this. Nakikita ko yung pagtatrabaho niya, hindi ko lang minsan matantiya kung ano ba nasa isip niya habang ginagawa yung workload niya: quality o quantity? Gumagawa ba siya by heart o binibilisan niya lang para matapos lang at makarami? Yung mindset ba niya ay aligned sa pag-unlad ng lahat o pansarili lang?

Nakikita ko rin kung paano siya makitungo sa iba. Tinitingnan ko kung paano niya i-treat yung nasa mas mababang posisyon at kung ginagalang niya ba ang decisions ng mga nakakataas sa kanya. Naririnig ko yung mga reklamo niya sa ibang tao at minsan gusto ko siyang sawayin. Nabibilang ko rin ang mga taong pinapakinggan niya at hindi. Chine-check ko kung fair siya sa lahat ng mga nakakasalamuha niya, at kung iniintindi at inaalam niya muna ang lahat ng sides bago siya mag-judge.

Kapag nakikita ko siyang gloomy, gusto ko siya i-encourage. Di ko lang alam kung anong dahilan. Kung personal problem, gusto kong sabihin na kahit hindi maiwasan, hindi dapat nakakaapekto yung personal problem sa trabaho. Kung sa trabaho naman yung problema, dapat sinasabi niya sa immediate superior niya kasi yun ang makakatulong sa kanya. Minsan naman, gusto ko siyang palakpakan at tapikin sa likod dahil sa effort niya sa trabaho kapag nasa momentum siya, lalo na kapag hindi na-a-acknowledge yung efforts niya. At kapag nakikita kong lalo siyang nag-e-effort kapag napagsasabihan o kaya naman kapag may bagong natututunan, parang gusto ko siyang bulungan na “keep it up!”, kaso baka ma-distract pa siya.

Gusto ko siyang turuan. Gusto ko rin siyang pasalamatan. Gusto kong sabihin sa kanya ito lahat dahil alam kong kapag tinanggal niya ang mga negative vibes niya at pinagpatuloy niya lahat ng mga best practices niya kahit walang nakakakita, magiging daan siya sa pag-unlad. Hindi ko alam ang position niya dito pero alam kong importante siya. Gusto ko siyang paalalahanan na huwag tumingin at sumita ng ibang tao dahil wala nang iba pang makakapagbigay ng pagbabago kundi siya at ang pananaw niya sa pagtatrabaho dito. Bakit ba hindi niya maintindihan yon?

Paglingon ko sa kanya, nakita kong nakatingin din pala siya sa’kin. At yung itsura ng mukha niya parang guilty, pero para ring may confidence. Or pride ba yon? Hindi ako sure. So, ito na siguro yon, sasabihin ko na sa kanya. Huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob. Tumingin ulit sa kanya at dahan-dahan akong lumapit. Pero lumalapit din siya sa’kin. So binilisan ko yung lakad ko. Tapos… nauntog ako. Sa salamin.

Writer’s Note: Hindi na uso yung kantang “Man in the Mirror”, pero sobrang sumikat yon dati. Ang lakas kasi ng impact ni MJ. Medyo connected dito so sana nagkaroon rin ng impact ito. Please, unawain mo… natin.