BUWANANG PAGSUSULIT PARA SA GRADE 9

I. Multiple Choice: Basahing mabuti ang mga sumusunod at bilugan ang letra ng tamang sagot.

Eleksyon na naman mga brad. Excited na kong matapos ito para matapos na rin yung mga ginagawang kalsada sa kung saan-saan. Lahat yata ng madaanan ko sa high-way ay may ginagawang daan. Bakit dati kasi hindi yon naisipan? Kaya laging traffic e. Tuwing may eleksyon, paulit-ulit ko itong reklamo. Wala ba silang ibang mabakbak na daan? Yung hindi masyadong nadaraanan? Seriously, OK naman e kasi at least magagawa yung mga kalsada (yung mga kalsadang may sira, pero yung mga maayos naman, ewan ko lang). Kaso, why now? Hindi naman masyadong obvious.

Makikita na naman natin ang mga pagmumukha ng mga kandidato sa mga pader ng kalye. Nakapili na ba kayo ng iboboto? Alam kong nahihirapan ang karamihan sa inyo dahil ako mismo ay nahihirapang magdesisyon (hindi ko na sasabihin kung bakit). Napakaraming ads ng mga kandidato: sa TV, radyo, internet, pader, sasakyan, kalendaryo, t-shirt, sumbrero… Halos sa lahat ng sulok Laguna tatambad sa akin  yung mga pagmumukha nila. Minsan naririnig din sila sa mga interviews nila na hindi moa lam kung gusto mong pakinggan o magbingi-bingihan na lang. So ito na lang: Tandaan, malaya tayong makakapamili. We are free, so choose wisely.

Gayunpaman, may mga sitwasyon din kung saan ang ilan ay napagkakaitan ng kalayaang dapat ay sa kanila. Ito naman ay dahil sa pang-aabuso ng mga taong nasa pwesto na, may kapangyarihan, awtoridad, nakatataas, bully… – you can name it. Matagal na panahon na ring gumagala ang mga ganitong klaseng nilalang sa ating bayan na nagsisilabas upang maghasik ng lagim. Talamak na ang mga ganitong klaseng larawan at marami ang nagsasabing hindi na ito mawawala at huwag nang umasa na mababago pa ito, pero para sa inyong mga Goons: huwag kayong pakasisiguro! Hindi na namin kailangan pang tawagin si Mang Jose (ang superhero na pwedeng arkilahin) dahil alam naman natin na hindi nagwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan! Bwa-ha-ha.

II. Tama o Mali: Basahing mabuti ang mga sumusunod. Isulat ang T kung tama ang mga sinasaad at M naman kung mali.

Car crashed in Tagaytay. 6 dead. At ang balita ko ay puro mga kabataan ang laman ng sasakyan na itinakas lang nila para daw mag-joyride. Masaklap dahil graduating students pa sila. Hindi ko na masyadong ginalugad yung news kasi nakakapanlumo pero isa lang ang naging reaksyon ko na connected sa balita: ang mga kabataan nga naman of today’s generation, ibang-iba na talaga. Kung nagging kabataan ka nung 1990’s- 2004, baka sang-ayon ka sa’kin. Dati nung high school ako, Chinese garter at Jackstone lang ang alam kong laruin, ngayon pataasan na ng pixels ng cellphone ang mga high schoolers ngayon! Daig pa yung iPhone 5S Whitebox kong sira na nasa service center pa hanggang ngayon. Ang mga kadalagahan ngayon, pamahalan at pasosyalan na rin ng make-up! Daig pa yung PHP95.00 kong lipstick na hindi ko na matandaan ang tatak dahil napilitan ko lang bilhin sa katrabaho ko. At kung mapag-party-party ay talagang all-night kung all-night! Daig pa yung pagpupuyat ko sa pagtapos ng libro ni Dan Brown at Harlan Coben. Matigas rin naman ang ulo ko dati at sumusuway din paminsan-minsan sa magulang, pero mas malala pa ang pagkapasaway ng mga kabataang kilala ko ngayon. Ang hirap pasunurin. Iba. Paano na? Maging pag-asa pa kaya sila ng bayan?

Kung sang-ayon ka sa opinion kong ito at isa ka rin sa mga nanghihinayang sa henerasyon ngayon at nagkukumpara ng childhood days mo sa ngayon, confirmed! Tumantanda ka na rin katulad ko. Pwede pa tayong tumulong sa kanila sa pamamagitan ng pagiging role models nila. Sa mga kabataang masigasig, disiplinado, at magalang, saludo ko sa inyo. Pagbutihin pa ninyo, itayo ang bandera ng henerasyon ninyo. At para sa lahat, laging tandaan: Mabagal ang pag-unlad ng Pilipinas dahil sa mga taong nakakahadlang sa paglago nito. Kung si Pia Wurtzbach nga na akala ng lahat na 1st Runner Up lang ay nasungkit pala ang title na Miss Universe ay nabigyang parangal ulit ang bansang Pilipinas matapos ang napakaraming taon, kaya rin natin! Bakit? Dahil alam naman natin na hindi kailanman nagwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan! Bwa-ha-ha.

III. Essay: Ano ang implikasyon ng nabasa mo sa praktical na buhay mo? Meron ba? (right minus wrong).

Advertisements

CONFESSIONS 101

“Kapag nakagawa ka ng kasalanan sa isang tao, hindi niya alam, tapos lumipas na panahon, OK na, kasalanan pa rin ba ‘yon?” -Anonymous

Hello! Hindi pa ba obvious yung sagot? Ugh. Linya kasi ‘to kadalasan ng mga taong nasa loob ng isang relasyon na nangaliwa at ngayon kinakain na ng konsensya. Now, what to do?

May 2 options.

1) Huwag mo nang aminin.
OK na eh. Masaya na ang lahat. Do you really need to ruin everything all over again just for the sake of a clean conscience? Baka gumulo pa kayo. So what’s the point? Just go along with it. Move on. Tutal, hindi mo na naman uulitin. That’s the best pampalubag-loob na pwede mong sabihin sa sarili mo. All is fair in love and war.

Tapos, makaka-move on na kayo. Makakabuo ng sariling pamilya. Happy ending. Akala niya buong buhay nyo OK ka. Tipong ipagmamalaki ka pa sa iba. Kakayanin ba ng konsensya mo?
Paano naman kapag nagloko siya? Masusumbatan mo ba siya mala-Basha na “Baka nakakalimutan mo, asawa mo ko! Karapatan kong malaman ang lahat!” Baka ako magsabi in your face ng “Look who’s talking!”

2) Confess.
Aminin mo lahat. With matching shedding of tears para dramatic. Gugustuhin mo bang yung relasyon nyo may bahid ng kasinungalingan? Take a risk. Wala namang mawawala, or pwede rin namang lahat. Hehe. Pero ayos lang, kasi sa pagkakaalam ko love always gives second chances. At kung kayo, kayo talaga. Eh di kayo na! Eh di wow!

Wala nang ibang tamang panahon sa pag-coconfess kundi ngayon. Ano pa hihintayin mo? Palalalain mo lang yung sitwasyon kung patatagalin mo pa. Or pwede rin namang paniwalain mo yung sarili mo at sabihin na OK na kayo, kasi di naman niya nalaman eh, at walang pakielam yung nagsulat ng blog na ‘to kasi hindi niya alam kung ano ba yung dapat mong i-confess: pangagaliwa, murder, iba pala gender, or ang pagkain mo ng natatago niyang burger. So ikaw bahala, gawin mo kung anong gusto mo. Wala na rin naman akong ibang masabi at ***some text missing***.